Kami ang Nagbabantay, Bakit Kami Sinasalakay?
- Defend NGOs Alliance 
- 5 hours ago
- 2 min read
Mariing kinokondena ng Defend NGOs Alliance ang ginagawa ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr. na kriminalisahin ang mga nagdaang kilos-protesta laban sa korapsyon at sa panawagan ng pananagutan ng mga mamamayan sa mga sangkot sa korapsyon. Habang ang mga personalidad na sangkot sa isyu ng korapsyon sa flood control ay patuloy na nakaiiwas sa hustisya, inaatake naman ng pulisya ang mga nagbabantay kontra korapsyon – mga kabataan, magsasaka, mangingisda, manggagawa at iba pang sektor. May kulang-kulang 300 indibidwal na sumali sa proteste ang inaresto ang nakatikim ng karahasan ng kapulisan. Lalo na ang mga lider-estudyante na kamakailan ay ini-syuhan ng subpoena dahil sa pangunguna sa paglulunsad ng mga kilos protesta sa mga paaralan .
Hindi kami mga kriminal, kungdi ang mga korap!
Binabansagan ni Presidential Spokesperson Claire Castro ang mga raliyista bilang mararahas na magnanakaw na nanununog at naninira. Ngunit ang katotohanan, ang mga korap na mga pribadong koporasyon at nagmamay-ari ng mga ito kasapakat ang mga korap sa gubyerno ang may pinakamalalang krimen sa taumbayan! Halos trilyon ang kanilang kinorap, binulsa para sa mga flood control projects na nagpabaha sa mga bahayan, mga sakahan, mga komunidad at kumitil ng buhay at sumira sa kabuhayan ng mga mamamayang nagdarahop sa hirap. Ilang daan nang mga Pilipino ang namatay sa leptospirosis dahil sa mga pagbaha.
Ang pagtutok sa mga estudyanteng tulad nina Joaquin Buenaflor ng UP Diliman University Student Council at student journalist Jacob Baluyot ng Polytechnic University of the Philippines ay isang banta sa paggamit ng kanilang konstitusyonal na karapatang magtipon at magprotesta. Pawang mas prayoridad ng administrasyong Marcos Jr. ang siraan at pahinain ang kilusan ng mamamayang nananawagan ng pananagutan.
Paigtingin ang Kilusang Bayan Kontra Kurakot!
Nanawagan kami sa mga CSO at sa sambayanang Pilipino na patuloy na manindigan at makiisa sa patuloy na lumalakas na panawagan ng pananagutan laban sa korapsyon. Ating paigtingin ang sama-samang pagkilos at igiit ang karapatan ng mamamayan para sa katarungang panlipunan. Igiit ang ating espasyo sibil!
English:
The Defend NGOs Alliance calls out the Marcos Jr. government’s penchant for criminalizing protests against corruption and calls for accountability. While personalities that corrupted flood control projects continue to evade justice, the police are harassing protesters and student leaders leading the protests. Even Presidential Spokesperson Claire Castro vilified the rallyists by branding them as violent thieves who burn and destroy.
Targeting students like Joaquin Buenaflor of UP Diliman University Student Council and student journalist Jacob Baluyot of the Polytechnic University of the Philippines serves to intimidate and threaten the youth in rightfully exercising their constitutional rights to assemble and protest. Such acts betray the Marcos Jr. government’s repressive nature and insincerity in its commitments to upholding the Filipino peoples’ human rights including the right to freedom of association and freedom of expression.
We call on CSOs and the Filipino people to continue asserting their rights. Let us stand in solidarity with the youth, the National Union of Students in the Philippines (NUSP) and continously fight back against harassment and intimidation by the government in a desperate act to stifle legitimate dissent. We call for accountability, transparency, and genuine people’s participation in governance and development.













Comments