Mariing kinokondena ng Defend NGOs Alliance ang ginagawa ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr. na kriminalisahin ang mga nagdaang kilos-protesta laban sa korapsyon at sa panawagan ng pananagutan ng mga mamamayan sa mga sangkot sa korapsyon. Habang ang mga personalidad na sangkot sa isyu ng korapsyon sa flood control ay patuloy na nakaiiwas sa hustisya, inaatake naman ng pulisya ang mga nagbabantay kontra korapsyon – mga kabataan, magsasaka, mangingisda, manggagawa at iba pa