Solidarity message of Ms. Signe Poulsen, Senior Human Rights Adviser of UN OHCHR for Bugkos 2025
- Defend NGOs Alliance
- Sep 3
- 4 min read
Dear Friends in the humanitarian community,
Let me first thank the organizers, the Defend NGOs Alliance National and Visayas, together with the Council for People’s Development and Governance, in cooperation with the Cebu City Local Government for organizing this important event commemorating World Humanitarian Day 2025.
This forum’s theme reflects the global theme for humanitarian day 2025, “strengthening global solidarity and empowering local communities”. The theme emphasizes the importance of local actors as leaders and participants in humanitarian action – as those who are usually first responders during and after a crisis, who know the local context and people, and who – with support from outside when required – must lead in shaping the future of their communities.
When local government, civil society and communities work hand in hand, this has the potential to create a powerful response to humanitarian situations, whether in anticipatory actions or in response during or after a crisis. Local governments are critical in their role as duty-bearers that can create an enabling environment and set strategic priorities. Meanwhile, grassroots civil society actors are flexible and often well-placed to spot and support those most at risk of being left behind. Communities themselves are the very center, and their diverse voices must always inform responses.
World Humanitarian Day is marked as a commemoration of the past, and a reminder that humanitarian workers continue to face threats across the globe in crisis spots, but also in some cases much closer to home.
You should not have to risk your life or safety to be a humanitarian worker. Nor should you risk being targeted, put on trial or otherwise attacked. A flourishing and diverse civil society movement that helps those at risk of being left behind, those that the state cannot always reach, is not a sign of weakness, but an indication of good governance. This is critical for humanitarian response, and also to address longer term and equitable development.
Therefore, we commemorate humanitarian day today, and we honor those who have lost their lives and those who continue the work. But today is also a call to stubborn hope that one day humanitarian day will be not only be a commemoration but also a celebration of how local actors come together, with global support when necessary. This can start anywhere. It can start right here, in Cebu, with joint events like this one. From the United Nations Human Rights in the Philippines we are ready to support you, local government actors and civil society alike, in this endeavor.
Thank you for all you do, and I wish you insightful discussions during the forum.
Signe Poulsen, Sr. Human Rights Adviser in the Philippines
Mensahe ng Pakikiisa
Mga kaibigan sa komunidad ng makataong paglilingkod,
Una sa lahat, nais kong magpasalamat sa mga tapag-organisa—and Defend NGOs Alliance National at Visayas, kasama ang Council for People’s Development and Governance, at katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Lungsod ng Cebu—para sa pagdaraos ng mahalagang pagtitipong ito bilang paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Makataong Paglilingkod 2025.
Kaagapay ng pagtitipon ang pandaigdigang tema para sa araw na ito: “Pagpapalakas ng pandaigdigang pagkakaisa at pagpapatibay ng mga pamayanang lokal.” Ipinapakita dito ang kahalagahan ng mga lokal na tagapagtaguyod bilang mga lider at katuwang sa gawaing makatao—sila na karaniwang unang tumutugon sa panahon ng sakuna, nakakaunawa sa kalagayan ng kanilang lugar at mga mamamayan, at siyang dapat manguna sa paghubog ng kinabukasan ng kanilang mga komunidad, kasama ang angkop na suporta mula sa labas kung kinakailangan.
Kapag nagtutulungan ang pamahalaang lokal, lipunang sibil, at ang komunidad, nagbubunga ito ng mas epektibo at makapangyarihang pagtugon sa anumang krisis—mula sa maagap na paghahanda, hanggang sa pagtugon habang o matapos ang krisis. Mahalaga ang papel ng mga pamahalaang lokal sa pagbibigay ng malinaw na direksyon. Samantala, ang mga lipunang sibil ng batayang mamamayan ay may kakayahang umangkop at mabilis na makasuporta sa mga nangangailangan. Higit sa lahat, ang mga komunidad mismo ang dapat maging sentro ng bawat tugon.
Ang Pandaigdigang Araw ng Makataong Paglilingkod ay hindi lamang paggunita sa nakaraan, kundi paalala rin na hanggang ngayon, patuloy na nalalagay sa panganib ang mga makataong manggagawa sa iba’t ibang panig ng mundo, at maging dito mismo sa ating bansa.
Hindi dapat isugal ang buhay o kaligtasan upang maging manggagawang makatao. Hindi rin dapat pagdaanan ang panggigipit, pag-uusig, o pag-atake. Ang pagkakaroon ng masigla at sari-saring organisasyon ng mamamayan ay hindi kahinaan, kundi palatandaan ng maayos na pamamahala. Ito ay napakahalaga hindi lamang para sa pagtugon sa mga sakuna, kundi maging para sa pangmatagalan, patas, at makatarungang kaunlaran.
Kaya’t ginugunita natin ngayon ang Araw ng Makataong Paglilingkod—bilang pagpupugay sa mga nagbuwis ng buhay at sa mga patuloy na naglilingkod. Ngunit ito rin ay panawagan ng pag-asa—na darating ang araw na ang makataong paglilingkod ay hindi lamang paggunita kundi tunay na pagdiriwang ng sama-samang pagkilos ng mga lokal na pamayanan, kasama ang suporta ng pandaigdigang komunidad kung kinakailangan. Maaari itong magsimula saanman. Maaari itong magsimula dito mismo sa Cebu, sa pamamagitan ng mga pagtitipon gaya ng sa araw na ito.
Mula sa Tanggapan ng Karapatang Pantao ng United Nations sa Pilipinas, handa kaming sumuporta—kasama ang mga pamahalaang lokal at lipunang sibil—sa gawaing ito.
Maraming salamat sa lahat ng inyong ginawa at ginagawa, at nawa’y maging makabuluhan ang talakayan sa forum na ito.
Signe Poulsen
Senior Human Rights Advisor sa Pilipinas
Comments